^

Bansa

Pagpili ng lider ipaubaya sa mga taga barangay - Ping

Malou Escudero, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi pabor si Senator Panfilo Lacson na hindi mga taga-barangay mismo ang pipili sa kanilang lider.

Ayon kay Lacson, kaya tinawag na barangay election ang halalan sa pinaka-maliit na political unit ng gobyerno ay dahil mismong mga nakatira sa barangay ang pipili sa kanilang lider.

Naniniwala si Lacson na hindi dapat ang Pa­ngulo ng bansa ang magtatalaga ng mga lider sa mahigit 42,000 barangay sa buong bansa at dapat dumaan ito sa proseso ng demokrasya.

Masyado aniyang unilateral kung isang tao lamang ang magtatalaga ng mga lider ng barangay at mahalaga pa rin ang demokrasya.

Ayon pa kay Lacson, posibleng hindi niya suportahan ang panukalang muling ipagpaliban ang halalan dahil ilang beses na itong ipinagpaliban.

Dapat din aniyang magpasa ng batas kung talagang igigiit na magtalaga na lamang ng mga opisyal sa mga barangay.

Nauna nang inihayag ng Pangulo sa unang ge­neral assembly ng League of Municipalities of the Philippines na ayaw muna niyang magkaroon ng barangay election dahil sa posibilidad na maimpluwensiyahan ito ng drug money.

Samantala, naghain na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ng panukalang batas para sa muling pagpapaliban ng barangay at SK elections. Sa House Bill 5359, sinabi ni Barbers na mas tamang idaos ang barangay at SK elections sa 2020.

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with