^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag namang itaas ang SSS contributions

VERBAL VARIETY - Pang-masa
EDITORYAL - Huwag namang itaas ang SSS contributions

TINUPAD kahapon ni Pres. Rodrigo Duterte ang pangakong dadagdagan ang P2,000 pension ng SSS members. Two gives itong ibibigay. Ang unang P1,000 ay ngayong 2017 at ang karagdagang P1,000 ay sa 2022. Maraming retired members ang natuwa sa ginawa ng Presidente. Akala raw nila, hindi na tutuparin ni Duterte ang pangako. Malaking tulong ang P1,000 sa kanilang pangangailangan. Dagdag na pambili ng gamot.

Una nang nagpahiwatig ang SSS na hindi maipagkakaloob ang P2,000 na dagdag dahil sa sinabi ng economic managers ni Duterte na “matutuyuan” daw ang SSS kapag tinuloy ang balak. Mababankarote raw. Lulugmok dahil malaki rin ang mawawala sa idadagdag sa pensiyon. Pero natuloy din kahit na nga hinati ang P2,000 at may katagalan bago maibigay ang kalahati nito. At least, tumupad daw ang Presidente at ginawa ang lahat nang paraan para maipagkaloob ang pinangako. Una nang tinanggihang aprubahan ni dating Pres. Noynoy Aquino ang dagdag na P2,000 dahil malulugi raw ang financial institution.

Ang isang hindi maganda sa pagdaragdag ng P2,000 sa pension ay ang pagdaragdag din naman sa contributions ng member. Kailangang itaas ang contributions para mabawi ang dinagdag sa pension. Magkakaltas sa miyembro para maibigay sa mga pensiyonado. Hindi makatwiran ito.

Sana sa halip na pagtaas ng contributions ang dapat gawin ng SSS ay ang paniningil sa delinquent employers at mga housing institutions na may mala­king utang sa SSS. Bawasan din ang suweldo at bonus na tinatanggap ng mga pinuno ng SSS. Lubhang kawawa ang members kapag itinaas ang contributions. Mapigilan sana ang balak na ito.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with