3 arestado sa drug trade
LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Bumagsak sa kamay ng batas ang itinuturing na ika-3 sa talaan ng drug personality at dalawang iba pa makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Sitio Centro, Barangay Manggalang Kiling sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay Quezon police director, P/Senior Supt. Roderick Armamento, kinilala ang mga suspek na sina Melvin Cuevas, ika-3 sa high-value target sa drug trade; Jeffrey Perez, at Jeffrey Macasaet. Narecober sa mga suspek ang anim na plastic sachet na shabu (25 gramo), isang shotgun, apat na bala, mga drug paraphernalia, isang kotse at isang motorsiklo. Mariin namang itinanggi ng mga suspek ang akusasyon ng mga awtoridad.
- Latest