^

Probinsiya

Tindahan na may pekeng insecticide, ni-raid

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines  - Sinalakay ng mga tauhan ng Tanauan Licensing Office ang isang tindahan sa Tanauan City, Batangas matapos maaktuhang nagtitinda ng pekeng insecticide spray.

Pinangunahan mismo ni Tanauan City Mayor Tony Halili ang pagsisilbi ng confiscation order sa AJA Kitchenware sa Barangay Poblacion at makumpiska ang 50 piraso ng Baollia aerosol insecticide na nagkakahalaga ng P3,000.

Nag-ugat ang raid matapos magreklamo kay Mayor Halili ang mga magulang ng 3-taong gulang na bata matapos masabugan ito ng naturang aerosol na pawang made in China.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang bata na kasalukuyang nagpapaga­ling sa ospital

Base sa ginawang beripikasyon ng Tanauan City Hall sa Food and Drug Administration, hindi rehistrado sa kanilang ahensya ang naturang produkto

Nakatakda ring magsagawa ng operasyon ang licensing office ng Tanauan sa iba pang tindahan na nagbebenta ng naturang produkto para maiwasang maulit ang insidente.

vuukle comment

TANAUAN LICENSING OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with