^

Bansa

Deployment ng OFWs sa Kuwait, sinuspinde

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagsuspinde sa deployment o pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng pitong overseas Filipino workers (OFWs) sa nasabing bansa.

Sa bisa ng Administrative Oder No. 25, inatasan ni Bello ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pansamantalang itigil ang pagpoproseso at paglalabas ng overseas employment certificates (OEC) sa lahat ng manggagawa na tutungo sa Kuwait habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon kaugnay sa dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipinong manggagawa.

Hindi naman kasama o exempted sa kautusan ang mga manggagawa na naisyuhan na o mayroon nang OEC.

“Nais namin magkaroon ng hustisya para sa mga OFW, at habang nagsasagawa pa ng im­bestigasyon kaugnay dito, sinususpinde muna namin ang pagpoproseso at paglalabas ng mga OEC. Ginagawa namin ito upang maprotektahan ang kapakanan ng ating mga kababayan,” ayon kay Bello.

Napabalitang pitong OFWs ang namatay sa Kuwait at sila ay sina Liezl Truz Hukdong, Vanessa Karissha L. Esguerra, Marie Fe Saliling Librada, Arlene Castillo Manzano, Devine Riche Encarnacion, Patrick Sunga, at Mira Luna Juntilla, pawang mga household services worker at karamihan sa kanila ay na-deploy noong 2016.

Inilabas ang naturang kautusan kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Overseas Filipino Bank noong Huwebes na magtakda ng “total ban” sa pagpapadala ng mga OFWs partikular sa mga household workers sa Kuwait dahil sa mga ulat ng sexual abuse.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with