^

Bansa

Beechcraft ng Japan isasabak sa sea patrols

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palalakasin pa ng Philippine Navy (PN) ang pagsasagawa ng patrol operations matapos na i-activate na ang isa sa dalawang Beechcraft TC-90 patrol aircraft na donasyon ng Japan sa isinagawang seremonya sa Naval Base  ng Philippine Fleet sa  Heracleo Alano, Sangley Point, Cavite City nitong Martes.

 Ayon kay Lt. Sahirub Taib, Spokesman ng Philippine Fleet   ng Philippine Navy , ang activation ng nasabing aircraft na may tail number 390 ay magpapalakas pa sa operasyon at maritime air surveillance capabilities ng Naval Air Group (NAG).

 Sinabi ni Taib na dahil nakumpleto na ang proseso ay handa na sa anumang misyon ang Beechcraft TC-90  at maaari nang ideploy sa alinmang lugar na nasasaklaw ng hurisdiksyon ng Navy.

 Ang TC-90 ay may kakayahang magamit sa navigation o paglalayag at maging sa maritime air surveillance  matapos na mai-upgrade na ang mga kagamitan nito.

 Samantala, nakatakda ring i-activate ang ikalawang TC-90 na may range na mahigit 1,000 nautical miles at bilis na 260 knots at maaaring magsakay ng walong pasahero na donasyon ng Japan para sa PN.

“The Navy is opera­ting around six Norman Britten “Islander” patrol aircraft, four GAF “Nomad” planes, five AgustaWestland combat utility helicopters and one Robinson R-22 ­training helicopter,” anang opisyal.

 Magugunita na ang TC-90 ay bahagi ng Beechcraft King Air aircraft na inialok ng Japan sa Pilipinas matapos namang lagdaan ang Agreement Concerning the Transfer of Defense Equiptment and Technology na isinapinal noong Pebrero 29.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with