^

Bansa

100 foreign ISIS nasa Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
100 foreign ISIS nasa Pinas

Ayon sa isang anti-terrorism official na tumangging magpabanggit ng pangalan, ang 100 foreign jihadists ay bagong gradweyt sa kanilang military training sa Indonesia sa kasagsagan ng Marawi City siege. Uncredited AP, File

MANILA, Philippines — Nasa 100 dayuhang terorista na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nakapasok umano sa bansa kaugnay ng plano ng mga itong maghasik ng terorismo at magtayo ng terror cell sa Mindanao.

Ayon sa isang anti-terrorism official na tumangging magpabanggit ng pangalan, ang 100 foreign jihadists ay bagong gradweyt sa kanilang military training sa Indonesia sa kasagsagan ng Marawi City siege.

Sinasabing nagtungo ang mga ito sa Pilipinas gamit ang southern backdoor entrance sa Min­da­nao habang ang iba sa mga ito ay nag-reinforce sa Marawi City.

“Our intelligence ope­ratives continuous to monitor the said report, it’s still a subject of verification,” pahayag ng opisyal.

Bago umano ang bakbakan sa Marawi, isang dosenang foreign militants, ilan sa kanila ay mula Middle East ang nakapasok sa bansa gamit ang Palawan at Tawi-tawi mula Malaysia.

Samantala pinanini­wa­laan namang ang iba sa kanila ay nagkakanlong sa Central Min­danao sa pinagkukutaan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang ang iba pa ay nasa lalawigan ng Sulu sa kanilang mga kapanalig na mga bandidong Abu Sayyaf Group.

Kaugnay nito, tumanggi naman ang mga opisyal ng militar na kumpirmahin ang nasabing report sa pagsasabing patuloy ang kanilang intelligence monitoring upang mapigilan ang mga terorista na makapasok sa teritoryo ng bansa at maulit muli sa iba pang mga urban centers ang kahalintulad na terorismo sa Marawi City.

Patuloy din ang tri-border patrol operations ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia sa hangganan ng karagatan ng kanilang mga bansa.

Magugunita na sa kasagsagan ng Marawi City siege ay may mga foreign ISIS na galing sa Indonesia at Malaysia ang nakalaban ng tropa ng militar.

Kabilang naman sa 920 napaslang na tero­rista ay mga dayuhan habang nasa 165 sa panig ng government forces at 47 sibilyan.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang implementasyon ng martial law sa buong rehiyon ng Min­danao na tatagal hanggang Dis­yembre 31, 2017 at posib­leng mapalawig pa.

Nitong Hunyo ay ibinulgar mismo ni Indonesian Defense Minister Ryamizard Ryacudu na tinatayang nasa 1,200 ISIS ang nasa Pilipinas kabilang ang 100 tero­ristang Indonesian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with