^

Bansa

Hapilon, Omar Maute utas sa assault ops

Pilipino Star Ngayon
Hapilon, Omar Maute utas sa assault ops

Isnilon Hapilon at Omar Maute

MANILA, Philippines — Kumpirmadong napatay sa assault operations ng tropa ng militar ang kilabot na teroristang sina Isnilon Hapilon, ang Emir ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Southeast Asia at Omarkhayam “Omar” Maute sa ika-147 araw ng krisis sa Marawi City kahapon.

Inianunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo ang magandang resulta ng opensiba ng militar laban sa Maute/ISIS terrorist group na nagresulta sa pagkakapatay kina Hapilon at Omar Maute. Narekober ang bangkay ng pitong terorista kabilang ang nabanggit na dalawang lider sa battle zone sa Marawi nitong Lunes ng madaling-araw matapos ang apat na oras na assault operations ng militar.

“The AFP ground commanders in Marawi reported that the operation conducted by our forces to retake the last remaining Daesh-Maute stronghold in the city has resulted in the death of the last terrorist leaders Isnilon Hapilon and Omar Maute, and that their bodies have been recovered by our operating units,” ani Lorenzana.

Isasailalim umano sa DNA test ang mga bangkay nina Hapilon at Omar na kapwa may reward sa kanilang mga ulo.

Nabatid kay Lorenzana isang babae ang nagbigay ng tip sa militar sa kinaroroonan o pinagtataguang gusali nina Hapilon at Omar sa battle zone na siyang pinuntirya ng military assault operations.

Inihayag ni Lorenzana na matagumpay din na nasagip sa kasagsagan ng operasyon ang 17 hostages ng Maute-ISIS sa battle zone.

Ayon naman kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, dakong alas-2 ng madaling araw nang maglunsad ng assault operation ang Joint Task Force (JTF) Marawi sa war zone na ikinasawi ng pitong terorista.

Sinabi ni Año na sa pagkamatay nina Hapilon at Omar ay pilay na ang Maute-ISIS terrorist group sa lungsod. Aniya, kanilang isusunod na i-neutralize ang nasa 40 pang Maute-ISIS members kabilang na si Dr. Ahmad Mahmoud, isang Malaysian ISIS terrorist na kasama pa ring nakikipagbakbakan sa Marawi.

Samantala, tiniyak ni Lorenzana na dadaan sa proseso ang pagbibigay ng reward sa tipster at sa mga tumulong para malansag at tuluyang mapatay ang Maute leaders. Si Hapilon ay may patong sa ulo na $5 milyon mula sa pamahalaan ng Estados Unidos at karagdagang P10 milyon mula sa gobyerno habang si Omar ay P5 milyong reward para sa tipster.

Ito na ang ikatlong beses na napaulat na na­paslang sa air strike at ground assault ope­rations sina Hapilon at Omar pero ang mga naunang balita ay walang pruweba at pawang isinasailalim sa masusing beripikasyon.

Magugunita na una nang inianunsyo ng AFP nitong Setyembre base sa intelligence reports ang pagkamatay ng tatlong Maute brothers na sina Abdullah, Otto at Maddie Maute na pawang hindi narekober ang mga bangkay. 

Sa tala, nasa 824 Maute-ISIS terrorists, 162 sa tropa ng gobyerno at 47 sibilyan ang mga napatay simula nang sumiklab ang krisis sa Marawi noong Mayo 23. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with