PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Uber, LTFRB nag closed-door meeting sa Senado

MANILA, Philippines — Kasunod ng suspension order, nagkita ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ride-sharing company Uber ngayong Miyerkules sa Senado.

Pinangunahan ni Senate committee on public services chair Sen. Grace Poe ang pagpupulong matapos patawan ng LTFRB ng isang buwang suspension ang Uber dahil sa iba’t ibang violations.

Dumalo para sa LTFRB sina Chair Martin Delgra at Board Member Aileen Lizada.

Nauna nang inihayag ni Poe ang pagkadismaya sa kautusan ng LTFRB dahil nasa 200,000 na pasahero umano ang apektado.

"Our people deserve to have options when it comes to choosing convenient, safe, and reliable transportation services to brave the daily punishing traffic jam," sabi ni Poe.

"Why can’t the LTFRB be innovative in coming up with an appropriate penalty that is fair and that will not prejudice the riding public? Is there no other less crippling penalty at our disposal? Thirty days is a long time," dagdag niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dati nang nagharap sa Senado ang LTFRB, Uber at isa pang ride-sharing company na Grab.

Nauna na ring pinagbayad ng LTFRB ang Uber at Grab ng tig-P5 milyon dahil sa iba pang paglabag.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: