^

Bansa

Staff ang pinapunta De Lima ‘no-show’ sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinedma ni Senator Leila de Lima ang preliminary investigation ng Department of Justice subalit pinapunta nito ang kanyang staff para kumatawan sa kanya sa unang araw ng isinagawang preliminary investigation at tumanggap ng kopya sa apat na  kasong isinampa laban sa kanya. 

Tapos na ang preliminary investigation nang dumating ang staff ni De Lima na si Romeo Siazon bitbit ang letter of authority mula kay De Lima kaya pinagbigyan pa rin ito ng pinuno ng panel of prosecutors na si Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong. 

Nabatid na binigyan ng hanggang Dis­yembre 21 ng prosecution panel ang grupo ni De Lima na magsumite ng kontra salaysay hanggang Disyembre 21.

Nagpasya naman ang panel of prosecutors na itakda ang susunod na pagdinig sa Disyembre 21, 2016 na siya ring deadline para sa pagsusumite ng counter affidavit ng mga respondent. 

Mahigpit na ang bilin ni Ong na dapat ay personal na panumpaan ng mga respondent ang kani-kanilang mga kontra salaysay sa harap ng panel sa susunod na pagdinig. 

Sa panig naman ng mga respondent na high-profile inmate, iniatas ng panel na panumpain na lamang muna ang mga ito sa harap ng isang notary public sa loob ng bilangguan at saka na lamang hahanap ng pagkakataon ang mga piskal para personal na puntahan ang mga bilanggo sa kulungan para sa reaffirmation ng kanilang affidavit. 

Pumunta rin sa pagdinig ang ilan sa mga complainant na kinabibilangan nina VACC Foundating Chairman Dante Jimenez, da­ting NBI Deputy Directors Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda. 

Hindi naman pumunta ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian, at  wala ring pinadalang kinatawan kahit siya ay parehong complainant at respondent sa nasabing kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with