Arroyo laya na!
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Korte Suprema ngayong Martes ang kasong plunder laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng maanomalyang paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sa botong 11-4 ng mga hukom ay makalalaya na si Arroyo na naka hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center mula pa noong 2012.
"Thank God. We're very happy," pahayag ng asawa ni Arroyo na si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo said. "They took away six years of her life. An innocent woman."
Nag-ugat ang reklamo ng Ombudsman sa paggamit ni Arroyo umano ng P366 milyon intelligence funds mula 2008 hanggang 2010.
- Latest