^

Bansa

Robredo: Right on target

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang puntos na lang ang kailangang habulin ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo kasunod ng paglabas ng Pulse Asia survey na kinomisyon ng ABS-CBN.

“Oo naman masayang masaya kasi plus 4 points ako ngayon at ito yata ang closest to the first na nadatnan ko. Parang ang numbers ngayon 26 percent, 25 percent at 21 percent,” wika ni Robredo.

“For the longest time noong nag-umpisa ako when I was 3% ang front runner yata 40% plus. So ngayon na 26% ang front runner, tapos 21% ako parang arm’s length lang so mas kaabot-abot na kaya mas lalo tayong hopeful, mas lalong ins­piradong sipagan,” dag­dag pa niya.

Sa Feb. 23-27 survey na kinomisyon ng ABS-CBN, nakakuha si Robredo ng 21 porsi­yento, mataas ng apat na puntos sa kanyang rating noong ikatlong linggo ng Pebrero.

Nasa ikatlong puwesto si Robredo kasunod nina Sen. Bongbong Marcos, 26%, at Sen. Chiz Escudero, 25%.

Hindi nagbago ang ra­ting ni Marcos habang bumagsak ng tatlong puntos si Escudero mula 28 percent.

Sa patuloy na pag-angat ng kanyang ra­ting, sinabi ni Robredo na paiigtingin pa niya ang pag-iikot at pagdadala ng kanyang mensahe, lalo na sa malalayong lugar sa bansa.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with