^

Bansa

Presyo ng tokwa at toyo tataas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tataas ang halaga ng tokwa at toyo sa bansa.

Ito ang pangamba ni Saturnina Halos, chairperson ng Biotech Advisory Team ng Department of Agriculture (DA) oras na kapusin ang bansa sa suplay ng genetically modified soya beans.

Ani Halos, oras na pagtibayin ng Korte Suprema ang ban sa importasyon ng genetically modified na soya beans, mahihirapan ang ating bansa na maghanap ng mga supplier ng soya beans at mais na hindi genetically modified.

Ang Pilipinas ay nag-aangkat ng 98 percent  ng genetically modified soybean mula sa Brazil, Argentina at Canada na ginagawang tokwa at toyo sa ating bansa.

Sinabi ni Halos na sakaling ipagbawal na ang pagpasok sa Pilipinas ng mga genetically modified crops, posibleng tumaas ng hanggang 20 percent  ang mga produktong gawa mula sa soya beans tulad ng toyo at tokwa o tofu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with