^

Bansa

Baguio mas dadayuhin dahil sa TPLEX

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines - -- Inaasahang lalong dadagsa ang turista sa lungsod na ito ngayong bukas na sa publiko ang Tarlac-Panga­sinan-La Union Expressway (TPLEX).

Sinabi ni Councilor Leandro Yangot na ang pagbubukas ng TPLEX ay malaking tulong upang lalong dayuhin ang Pines City dahil sa pinaiksing travel time ng magmumula sa Metro Manila.

Dinadayo ang Pines City dahil sa malamig na klima nito kung saan kamakalawa ay umabot pa sa 12 degrees at inaasahan na lalong lalamig sa susunod na mga araw na inaasahan nilang babagsak sa 8 degrees.

Magugunita na mismong si Pangulong Aquino ang nagpasinaya sa 88.5 kilometrong haba na TPLEX kamakalawa.

Nasa 23 km na ang kabuuang bahagi ng TPLEX na magagamit ng publiko habang ang 27-km na mula sa Paniqui hanggang Moncada sa Tarlac at Carmen sa Pangasinan ay kasalukuyang tinatapos pa.

Aabot sa 17 bayan at lungsod ang madadaanan ng TPLEX sa mga lalawigan ng Tarlac, Pangasinan, La Union at Nueva Ecija.

Sinabi ni Ramon Ang, presidente at chief operating officer ng SMC, inaasahan na matatapos sa 2015 ang natitirang 25.83-kilometer section ng proyekto na mula sa Urdaneta hanggang Rosario, La Union.

vuukle comment

COUNCILOR LEANDRO YANGOT

LA UNION

LA UNION EXPRESSWAY

METRO MANILA

NUEVA ECIJA

PANGASINAN

PANGULONG AQUINO

PINES CITY

RAMON ANG

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with