Bam ratsada uli sa survey
MANILA, Philippines - Muling umarangkada si Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino sa survey ng StratPolls para sa Abril.
Ayon sa nasabing survey, lumundag mula No. 11 hanggang No. 6 si Bam, na may pagtaas ng 12.1 percentage points. Sa clusteÂring ng StratPolls, si Aquino ay nabibilang sa cluster na “very strong candidates†na nasa ranggong 3-6.
Nagpasalamat naman si Aquino sa tiwala na binibigay ng taumbayan sa kanyang kandidatura at hangad umano niya na tapusin na ang kahirapan sa bansa.
Paliwanag pa ni Aquino, kailangan ng mas maraming Pilipino ng dagdag na suporta sa paghahanap ng trabaho at sa pagnenegosyo—tulad ng pagbubukas ng mas maraming trabaho, skills training, at pro-regularization policies para sa mga manggagawa; at deretsahang access sa merkado, access sa pondo’t pautang, dagdag na training, crop insurance, at iba pang mga support services naman sa mga magsasaka, mangingisda, at pati ang mga pinakamaliliit na negosyante tulad ng mga sari-sari store owners at market vendors.
- Latest





















