^

Bansa

Pantawid program ginagamit sa kampanya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ng Malacañang ang publiko na isumbong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pulitikong ginagamit ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pa­ngangampanya.

Nakarating sa Palasyo ang sumbong na ilang local government units ang nagrereklamo dahil ilang pulitiko umano ang nananakot na iipitin ang pondo para sa PPPPs kung susuportahan ang mga kandidato ng oposis­yon o dadalo sa political rally ng mga ito.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, puwedeng i-report sa DSWD ang mga pulitiko na ginagamit sa hindi tamang paraan ang PPPs.

Ipinaalala ni Valte na tanging ang DSWD lamang ang maaaring magtanggal sa listahan ng mga benepisyaryo at hindi mga pulitiko.

Ipinaliwanag din nito na pinili ang mga mapapasama sa mga mabibiyayaan ng programa sa pamamagitan ng National Household Targeting System at hindi palakasan sa mga pulitiko.

Kung may mga natatanggal man umano sa programa ito ay dahil hindi tumutupad ang mga ito sa kanilang obligasyon sa ilalim ng programa.

 

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DEPUTY PRE

HINIKAYAT

NATIONAL HOUSEHOLD TARGETING SYSTEM

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with