^

Metro

Libreng sakay sa LRT-1 ngayon

NEW BEGINNINGS - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT-1) na magbibigay sila ng libreng sakay sa mga pasahero ngayong Bagong Taon.

Ayon sa abiso ng LRT-1, nais nilang pasimulan ang 2017 sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng sakay sa mga commuters bilang pam-Bagong Taong handog sa mga parokyano.

Ang libreng sakay ay maaaring ma-avail ng mga parokyano simula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at simula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Muli ring ipinaalala ng LRT-1 na kanilang ipatutupad ang train service sche­dules mula ngayong araw hanggang bukas (Enero 2, 2017).

Nabatid na ang unang biyahe ng tren mula Baclaran ay aalis ng alas-5 ng umaga habang ang last trip naman ay aalis ng alas-9:30 ng gabi.

Ang first trip naman mula Roosevelt Station ay aalis ng alas-5 ng umaga habang ang huling biyahe ay aalis naman ng alas-9:50 ng gabi.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with