Manang Rose (220)

“PAKIRAMDAM ko, walang nangyari sa amin ng Kathy na iyon. Paano mangyayari na nagtalik kami e blackout ako sa kala­singan. Hindi ako ma­kagulapay. Pakiramdam ko rin e may inihalo sa ininom kong alak kaya sa isang iglap, bagsak agad ako. Wala akong maalala sa nangyari.

“Nang magising ako kinabukasan, hubad na ako at katabi si Kathy na umiiyak. May nangyari raw sa amin. Kailangan daw makasal kami kahit sa judge. Binanggit pa na mayroon siyang uncle na lawyer. Tinakot ako.

“Naging sunud-sunuran ako kay Kathy. Para bang na-hipnotismo ako at sinamantala ang aking pagkatuliro,” sabi ni Sir Rene at tumigil sa pagsasalita.

“So, pumayag ka pong pakasalan si Kathy?’’ tanong ni Eliz.

“Hindi!’’ sagot ni Sir Rene.

“Bakit po?’’

“Natuklasan ko, niloko niya ako!’’

(Itutuloy)

Show comments