Police truck salpok sa van: 2 parak, 8 pa sugatan

Sa ulat nitong Lunes ng Butuan City Police Office, ihahatid sana nina Staff Sgt. Saulo Loreto at Staff Sgt. Paul Abad sa isang presinto sa lungsod ang isang suspect sa krimen na si Reginald Kiem, nang mabangga ang kanilang sasakyan ng kasalubong na van sa isang bahagi ng highway ng Barangay Ampayon sa nasabing lungsod.
Graphic by Philstar / John Villamayor

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Dalawang pulis at walong iba pa ang sugatan matapos ang banggaan ng isang police pick-up truck at pampasaherong van nitong Linggo ng mada­ling araw sa Butuan City.

Sa ulat nitong Lunes ng Butuan City Police Office, ihahatid sana nina Staff Sgt. Saulo Loreto at Staff Sgt. Paul Abad sa isang presinto sa lungsod ang isang suspect sa krimen na si Reginald Kiem, nang mabangga ang kanilang sasakyan ng kasalubong na van sa isang bahagi ng highway ng Barangay Ampayon sa nasabing lungsod.

Sugatan sa naturang aksidente sina Loreto at Abad at ang law offender na si Kiem.

Pitong sakay ng pampasaherong van na sangkot sa aksidente na sina Charito Managuelod, Catherine Managuelod, Cherry Lou Crisologo, Criselda Abartosa, Deme­trio Abartosa, Elmer Gadon at Cristine Balane ang naisugod din sa mga pagamutan dahil sa mga tinamong mga pasa at sugat sa katawan sanhi ng banggaan.

Show comments