UP medical mission sa Romblon

ROMBLON ,Philippines  — Daan-daang pamilya sa Romblon ang nakinabang sa medical mission ng UP Ugnayan ng Pahinungod na isinagawa sa Romblon Provincial Hospital sa pakikipagtulugan ni Governor Eduardo Firmalo noong Sabado hanggang Lunes ng Mayo 6-9, 2011.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ay ang eye surgery, hysterectomy, thyrodectomy, hernia (luclos) operation at ang dermotological (paggamot sa sakit sa balat) na pinakinabangan ng may 200 residente.

Ang UP Pahinungod ay samahan ng mga dating Iskolar ng Bayan na nagtapos sa kursong doctor, nurse, dentist at paramedic mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Bilang doctor ay prayoridad ni Gov. Firmalo na panga­lagaan ang kalusugan ng kanyang mga kababayan kaya naman patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga grupong makatutulong sa taumbayan.

“Mabuti na lamang at may may mga boluntaryo at ma­kabayang samahan na gaya ng UP Pahinungo na walang sawa sa kanilang misyon sa paglilingkod sa ating mga kababayan, lalo na ‘yung mga nasa kanayunan. Mapalad ang Romblon sa kanilang pagdalaw at pagtulong,” pahayag ni Gob. Firmalo.

Magugunita na nailunsad na rin ng provincial government ang medical mission sa mga Barangay Danao sa Sta. Fe at Barangay Tulay at Dapawan sa Odiongan at maging sa Sibuyan, Romblon at Tablas. Noong Marso at Abril.

Show comments