Hitman ng sindikato tumba sa pulis

BULACAN, Philippines — Kama­tayan ang naging kaba­yaran ng isang 30-anyos na lalaki na pinanini­wa­laang hitman ng dalawang grupo ng sindikato na res­pon­sable sa serye ng pag­patay sa mga promi­nen­teng per­sonalidad at tes­tigo ma­karaang mapatay ng mga alagad ng batas sa bisinidad ng Brgy. Guin­hawa sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na sina si Rommel De Leon ng Barangay Hinukay, Baliwag, Bulacan.

Si De Leon ay may na­kabinbing kasong murder sa sala nina Judge Oscar Herrera at Judge Jaime Samonte ng Bulacan.

Sa tala ng pulisya, si De Leon ay sangkot sa pag­patay sa testigong si Fe­derico Nacion sa bayan ng San Rafael, Bulacan at sangkot din sa pang­ha­haydyak sa oil tanker sa SLEX sa Taguig City noong Disyembre 22.

Napag-alaman din na kinokontrata ng Apeng Santos Group si De Leon upang likidahin ang mga sagabal na testigo sa ope­rasyon ng sindikato.

Ayon kay SPO2 Gil Pun­zalan, si De Leon ay naispatang lulan ng Honda Civic (FFW 383) na uma­aligid sa bahay ng isa pang testigo sa krimen na si Rodrigo Valdemor.

Dahil nakatunog sa pre­sensya ng mga awto­ri­dad ay mabilis itong tu­makas subalit nakorner sa perimeter fence ng NRT at nakipagbarilan sa pulisya. Boy Cruz

Show comments