Jennylyn dati lang pinapanood si Gabby

Jennylyn at Gabby

Tuluy-tuloy ang taping ng bagong Kapuso rom-com series na Love You Two na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Shaira Diaz at Gabby Concepcion.

Masaya si Jen na makatrabaho sina Shaira, Jerald Napoles, Kiray at iba pang Kapuso stars. Lalong na-excite si Jen tuwing taping dahil  leading man niya sa serye ang beteranong aktor na hinihintay pa ring magsalita tungkol sa demanda ng kanyang kapatid tungkol sa pag-aaring lupa ng kanilang ina.

Ayon kay Jen, dati ay pinapanood lang niya si Gabby.

Malapit nang magsimula ng primetime series ngayong Abril sa GMA.

Show comments