Phoemela pinagtaasan ng kilay; Rufa Mae umaamin na tungkol kay Mr. M!

Seen : Ang admission ni Phoemela Barranda na mawawala na siya sa The Buzz na magri-reformat simula sa Linggo. Pinagtaasan ng kilay ang drama ni Phoemela na mas gusto niya ngayon ang “field work” kesa sa loob ng TV station.

Scene : Postponed ang presscon ngayon ni dating Vice President Noli de Castro para sa kanyang bagong radio program sa dzMM dahil may conflict sa schedule niya.

Seen : Inaamin na ni Rufa Mae Quinto sa kanyang close friends ang not-so secret relationship nila ni Mr. M.

Scene : Minamadali ang shooting ng Cinco ng Star Cinema dahil showing na ito sa July 14.

Seen : Kulang sa korte ang katawan ni Georgina Wilson nang rumampa siya sa Bench Uncut.

Scene : Malapit nang umere sa TV5 ang Inday Wanda, ang sitcom ni Eugene Domingo. Hindi exclusive ang kontrata ni Eugene sa GMA 7 kaya libre siyang lumabas sa ibang TV network. Kinaiinggitan si Eugene ng ibang mga artista ng GMA 7.

Seen : Tambay ng Hyatt Hotel Manila si Juliana Palermo.

Show comments