3 obrero kritikal sa kuryente

NORTH COTABATO, Philippines - - Patuloy na nakikipaglaban kay kamatayan ang tatlong construction worker makaraang makuryente sa Viga Fria construction sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato, kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Tatong, Ulysses Ariego, at si Jiovani Seraspi, pawang nakatira sa Barangay Manuangan sa bayan ng Pigcawayan. Sa inisyal na ulat ng pulisya, unang nakuryente si Tatong matapos mapahawak sa talop na linya ng kuryente kung saan nahulog ito mula sa itinatayong gusali. Sumunod namang nakuryente sina Ulysses at Seraspi na kapwa nahulog din mula sa ginagawang gusali. Nabatid na sinagot na ng pamunuan ng Viga Fria Construction firm ang mga gastusin sa pagpapagamot sa tatlong biktima.

Show comments