Matapos tikitan ang mga sasakyan dahil sagabal sa daan parak kinuyog ng mga militante

MANILA, Philippines – Pormal na nagharap ng reklamo ang isang tauhan ng Pasay City police laban sa grupo ng Bayan Muna at Gabriela sa pamumuno umano ni dating Party List Representative Teddy Casino matapos siyang kuyu­gin ng mga ito  nang tikitan niya ang mga driver ng sasakyan ng mga ito dahil nakakaabala sa daloy ng trapiko, kamakala­wa sa na-turang lungsod.

Kinilala ang biktimang si PO2 Jorge Cerezo, 47, nakatalaga sa Pasay City Police Traffic Enforcement  Unit.

Ang mga suspek naman ay nakilalang  sina Carlo Polintan; Lowell Advincula; Edward Mamauag at sa lahat ng mga tsuper ng Bayan Muna sa pamumuno umano ni Casino at Richelda Extremadura, lider naman ng Gabriela ay kinasuhan ang mga ito ng  Assault upon an Agent of a person in Autho-rity at B.P.880 (The Public Assembly Act of 1985).

Base sa sinumpaang reklamo ni Cerezo, kasama niya si PO2 Nestor Valencia na nagmamantina ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Kanyang tinikitan ang mga  driver ng mga  sasak­yan ng mga nagpoprotes­ta, dahil nakakaabala aniya ang mga ito sa daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Pagtalikod ni Cerezo ay nakarinig ito ng hindi maga-gandang salita mula sa mga nagpoprotesta, subalit hindi na lang niya ito pinansin at sumakay na sa kanyang motorsiklo.

Subalit, pinalibutan si Ce­rezo ng naturang grupo hanggang sa kinuyog ito at nagta- mo ito ng mga sugat sa katawan at tuhod.

Show comments