DOH puspusan ang training vs Ebola

MANILA, Philippines - Puspusan ang Department of Health (DOH) sa pagsasanay bilang paghahanda ng medical workers sakaling makapasok sa bansa ang ‘deadly’ Ebola Virus Disease (EVD).

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, sisimulan sa Oktubre 28 at linggu-linggo na ang pagsasailalim sa specialized training programs ng mga health worker upang maging bihasa ang mga ito sa pagtukoy at paglunas sa Ebola Virus.

“After the successful National Ebola Summit held last Friday (October 10), we want to primarily increase the capacity of our health workers nationwide in responding to EVD, like what we did when SARS and H1N1 threatened the country a few years ago,” sabi ni Ona.

Sa pamamagitan ng training katuwang ang World Health Organization (WHO), mabibigyan ang mga medical workers ng mas malalim na pag-unawa sa EVD, sa transmission at epidemiology nito at mahahasa ang practical skills ng mga kalahok tulad ng pag-iingat sa sarili, seguridad at kaligtasan.

Nag-recruit rin umano sila ng mga expert trainers, partikular ng mga eksperto sa infectious diseases at EVD, mula sa Pilipinas at maging sa ibayong dagat.

Ang mga kalahok ay bubuuin ng hospital’s infection control specialist, doctors, nurses at medical technologists.

Show comments