Ultimatum sa SOCE hanggang Mayo 12

MANILA, Philippines - Hanggang  sa Mayo 12 na lamang  ang ultimatum ng Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato, political parties at party-list groups noong May 13, 2013 polls para makapaghain  ng statement of contributions and expenditures (SOCEs).

Nakasaad rin sa Reso­lution 9849 ng Comelec na ang nabanggit na dead­line ay final and non-extendable na o hindi na palalawigin.

Kasama rin sa tina­ni­ngan ang mga da­ting nakapagsumite ng SOCE ngunit hindi naman kumpleto o may depek­to, upang itama ang ka­nilang pagkakamali.

Sa ilalim ng Republic Act 7166 o Synchronized National and Local Elections Act of 1991 ang SOCE ay dapat maihain 30 araw matapos ang araw ng halalan.

Ang mga mabibigong magsumite nito ay hindi makakaupo sa puwesto.

Ang mga hindi naman magtatama ng kanilang SOCE ay mapapatawan ng administrative offense at may multang mula P1,000 hanggang P30,000 pero aabot ito ng hanggang P60,000 at pagkakadiskwalipika sa pag-upo sa public office kung dalawang eleksyon nang mabibigo.

 

Show comments