Angara hinikayat mga abogadong magbigay ng libreng serbisyo

 

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Edgardo Angara ngayong Biyernes sa mga abogado na magbigay ng libreng serbisyo sa mahihirap.

Sinabi ito ni Angara sa groundbreaking ng itatayong bagong gusali ng Integrated Bar of the Philippines' (IBP) sa Ortigas, Pasig City.

Sinariwa ni Angara ang ginawang pag-iipon ng pondo ng IBP noong nagsisimula pa lamang ito para makapagbigay ng libreng legal na tulong sa mahihirap.

Nagsakripisyo ang mga abogado noon upang ibigay ang kanilang oras at serbisyo ng libre para sa mga kanabayan na hindi kayang magbayad. Nagbago ito noong 1980 nang magbigay ang gobyerno ng pantustos para sa libreng tulong na legal sa publiko.

"All of us at the bar must remain conscious above all of our public responsibility. We have to fulfill our duty to provide legal assistance to the needy of this country," sabi ng senador.

Sinamahan ni Angara si Chief Justice Maria Lourdes Sereno, mga opisyal ng IBP at mga kinatawan ng pamilya Ortigas sa pirmahan ng memorandum of understanding (MOU) para sa build-operate-transfer na kasunduan sa pagitan ng Ortigas Co. Ltd. Partnership (OCLP) at IBP.

Inaasahang matapos ang 22-palapag na gusali sa susunod na dalawang taon.

"Lindy Locsin designed the building without charging a single cent. Atty. Lolong Lazaro persuaded Jun Cruz to allow the GSIS to loan the money for construction and Don Paquito Ortigas gave us two prime lots of 3,600 square meters. We can say that this building we have now was truly a gift of love," sabi ni Angara na dating executive vice-president ng IBP noong 1977.

Show comments