Drug pusher binoga sa ulo ng tandem

Nangangalap ng ebidensiya ang mga miyembro ng Quezon City Police District-Scene of the Crime Operatives (QCPD-SOCO) sa crime scene ng pagbaril at pagpatay sa isang 34-anyos na lalaki ng riding-in-tandem sa Asamba Bridge, Baesa, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki na pinaniniwalaang drug pusher nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa  Quezon City.

Kinilala ang nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Cris Paul Palcotelo Gapa, 34, ng Brgy. Baesa, ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy at madakip ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo na armado ng mga baril.

Sa imbestigasyon ng QCPD-CIDU na nangyari ang krimen, alas-9:0 ng gabi sa harap ng Gate ng Asamba Compound sa Sitio Mendez St., ng nasabing barangay.

Ayon sa saksi nakarinig na lamang siya nang magkakasunod na putok ng baril hanggang sa makita niyang nakabulagta at naliligo sa dugo  si Gapa kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa barangay.

Dalawang basyo ng bala ng baril ang nakuha sa crime scene bukod pa sa isang plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.

Inaalam na ng pulisya ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga suspek.

Show comments