15-30 na pulis-EPD binalaan

MANILA, Philippines – Walang puwang ang mga pulis na mga 15-30 sa aking nasasakupan.

Ito ang babala ng bagong upong District Director ng Eastern Police District (EPD) Sr. Supt.Elmer Jamias sa mga pulis na pumapasok tuwing sumasapit lamang ang a-kinse at katapusan ng buwan para kumubra ng kanilang suweldo.
Bukod dito ay pananatiliin niya sa EPD na may pinakamababang crime rate sa Metro Manila sa loob ng nakalipas na apat na taon.

Kung hindi man niya mahigitan ang performance ng mga naunang director sa kanya sa EPD ay tinitiyak na papantayan niya ang
pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa bayan ng San Juan, Mandalu­yong, Marikina at Pasig City.

Show comments