Senglot nahulog sa ikalawang palapag ng bahay

MANILA, Philippines - Ang sobrang kalasi­ngan umano ng 31-anyos na si Ireneo Wacchan, technician ang naging dahilan ng  kanyang kamatayan matapos na mahulog mula sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa Makati City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-2:35 ng madaling-araw ay nakipag-inuman muna ang biktima sa ilang mga kapitbahay at nang malasing ay umakyat ito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa A. Luna St., Barangay West Rembo.

Nang mawalan ng balanse ay nahulog ito at una ang ulo na bumagsak sa semento na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

Show comments