LRT-MRT ticketing project... DOTC officials kakasuhan

MANILA, Philippines - Ipaghaharap ng kasong katiwalian ang mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa sandaling pasimulan nito ang 1.7 bilyong LRT-MRT common ticketing system project.

Sinabi ni Jason Luna, convenor ng coalition of filipino consumers, malamang na kasuhan nila ng graft sa office of the Ombudsman ang DOTC matapos nitong desisyunang i-award ang proyekto sa isang bidder na sinasabing nag-alok ng isang bid na makasasama sa taumbayan.

Ayon kay Luna, nilabag umano ng  DTOC  ang section 15 ng Ombudsman law na puwedeng magsampa ng kasong katiwalian ang mga mamamayan sa opisyales ng gobyerno na nagdesisyon ng nakasasama sa kapakanan ng mamamayan.

Ani Luna, maganda ang proyekto pero may nasisilip umano silang  anomalya sa bidding process.

Inihayag ni Luna na lulutuin na naman sa sariling mantika ang sambayanang Pilipino kung papayag ang pamahalaan na 279 milyong piso lamang ang ibabayad na concession fees ng Ayala-Metro Pacific na katulad ng kontratang pinasukan ng pamahalaan sa Meralco.

Iginiit ni Luna na  hindi umano makatarungan na maghintay pa ng sampung taon ang pamahalaan para makumpleto ang bayad na 800-milyong piso. Nagbigay pa ng kondisyon ang ap consortium na depende sa bilang ng gagamit ng smart card ang kanilang bayad, na nagbigay duda aniya na baka mas mababa pa sa 800 milyong piso ang sumang kita ng pamahalaan sa nasabing proyekto.

Nabatid na sa Ayala-Metro Pacific, babayaran nila ang pamahalaan ng P800 milyong sa loob ng sampung taon kumpara sa alok ng Smic na isang bilyong piso agad-agad sa sandaling magkapirmahan ng kontrata.

 

Show comments