ERC chief pinabababa sa puwesto

MANILA, Philippines - Sinugod ng mga mi­yembro ng iba’t ibang homeowners associations, urban federations ang tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC)  sa Pacific Center Building sa Pasig City at hiniling ang  pagbaba sa puwesto ni ERC chairperson Zenaida Ducut.

Nagsagawa ang mga ito ng protesta kasama ang mga anak nila at ang AKBAYAN Party-list dahil sa pagkabigo umano ni Ducut na protekta­han ang interes ng mga power consumer sa pagtaas ng singil sa kuryente.
Ayon sa isang presidente ng homeowners association na si Manny Manato, lalo na silang nahirapan sa pag-aayos ng kani-kanilang budget dahil isinabay pa ang taas-singil ng Meralco sa pagtaas ng presyo ng ibang
bilihin.

Nag-abot rin ang grupo ng notice of eviction para kay Ducut sa tanggapan nito.

Una nang nanindigan si Ducut na hindi siya bababa sa puwesto.

 

Show comments