Rondo bida sa panalo ng Celtics kontra sa Magic

BOSTON – Naghintay si Rajon Rondo ng mahigit isang taon upang magdiwang ng panalo na nakapaglaro siya.

Nagtala si Rondo ng 9 of 11 shots at tumapos na may  season highs na 19 points at 10 assists para tulungan ang Boston na wakasan ang four-game losing streak sa pamamagitan ng 96-89 panalo kontra sa Orlando Magic nitong Linggo.

“We didn’t stop pushing the pace even though we had the lead,’’ sabi ni Rondo. “We finally finished a game strong. They made a run at it, but at the end of the day we still got some stops when we needed and made the plays.’’

Pumasok ang Boston nitong Linggo na winless sa anim na games sapul nang bumalik si Rondo noong nakaraang buwan matapos mawala ng halos isang taon dahil sa napunit na anterior cruciate ligament sa kanang tuhod.

Hindi siya lumaro sa dalawang games sa mga unang araw ng linggong ito at nagkaroon ng sapat na lakas nitong Linggo para tulungan ang Cel-tics na pigilan ang  paghahabol ng Magic.

“You just feel like you’re really under control the way he was playing late,’’ pahayag ni Boston coach Brad Stevens.

Kinamada ni Jared Sullinger ang pito sa kanyang  21 points sa fourth quarter para sa Celtics, na hinayaang maglaho ang 12-point lead sa final period bago kumawala sa dakong huli.

Show comments