Paano Kontakin ang Guardian Angel? (3)

Matapos maihanda  ang sarili, narito ang 7 paraan ng pagkonek sa mga anghel:

1---Tatlong beses mong tawagin ang kanilang pangalan. Pumikit ka. Tawagan mo siya nang mataimtim, may kasamang pagmamahal.

2---Kailangan ang ganap na katahimikan upang magkaroon ng “clear reception”.

3---Hintayin ang kanyang pagsagot sa pamamagitan ng gut feeling. Hindi siya nagpapakita as in lilitaw siya bilang isang puting liwanag. Pampelikula lamang iyon. Puso ang iyong gagamitin at hindi mata.

4---Kahit hindi pa kayo nagkakakontakan, ay bigyan mo na siya ng “reward”. Pagmamahal mula sa tao ang gustung-gusto nila. Ang pagmamahal na matatanggap niya mula sa tao ay magpaparikit lalo ng kanyang liwanag, magpapaunlad ng kanyang aura at kakayahan bilang anghel.  Itutuloy

Show comments