Julaton handang-handa na sa pagharap kay Alcanter

MANILA, Philippines - Kung ang ginagawa niya sa training camp ang pag­babasehan, masasabi ni Ana Julaton na handang- handa na siya para sa laban nila ni Franchesca Alcanter sa Pebrero 25 sa Craneway Pavilion, Point Richmond, California.

Sa Wild Card gym siya nagsasanay sa ilalim ni Freddie Roach pero tumutulong sa kanyang pagsasanay lalo na sa sparring ang dating world champion na si Ro­del Mayol.

Aminado ang 30-anyos na idedepensa ang suot na WBO female super bantamweight title na labis ang kanyang kapaguran matapos ang isang ensayo pero hindi niya ito iniintindi dahil alam niyang kailangan niyang daanin ito para mas makapaghanda sa sagupaan.

 “I feel like I don’t have the energy left after our workout. This is the hardest Camp I’ve been but its great because I can’t let fatigue dictate on me and I can’t be careless especially during the fight,” wika ni Julaton.

Mas malaki sa kanya si Alcanter dahil dati itong ku­makampanya sa featherweight division.

“She’s very experience and bigger than me. She’s been there with the best women In the fight game and she’s training hard. So I really expect a battle,” dagdag pa ni Julaton.

Pinasasalamatan din niya ang pagtulong ni Mayol dahil nakikita nito ang mga kamalian niya sa sparring na magreresulta upang mas maging mahusay siya sa aktual na labanan.

“I’m lucky working with the likes of Mayol who is very experience, very strong and in fighting shape. His fast and his reactions are crisp. He would allow me to get away with anything specially in terms of timing. He helps me correct my mistakes and making sure I’m focus the whole round,” patukoy nito sa ka-sparring.

Show comments