Akyat-bahay tiklo, dahil sa CCTV

MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, malaking tulong ang nagagawa ng CCTV laban sa mga masasamang loob, ito’y matapos na isang 18-anyos na binata ang inaresto ng mga operatiba sa isang follow-up operation ilang minuto makaraang pa­sukin at pagnakawan ang bahay ng isang staff umano ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspect na si Crisostomo Castro, laborer at residente ng Sitio Rizal, Maysilo Malabon City.

Ayon sa pulisya sa pamamagitan ng CCTV camera si Crisostomo Castro ay natukoy kung sino ang nagnakaw sa bahay ng mag-asawang Mike Hortel, umano’y staff ni Mayor Bautista, at Kathleen Hortel ng Sct. Tuazon St., Brgy. South Triangle sa lungsod.

Nangyari ang insi­dente nang pasukin ng suspect ang bahay ng mag-asawa ganap na ala-1:45 ng madaling araw.

Sinasabing sinaman­tala ng suspect ang ma­ himbing na pagtulog ng mga biktima kung saan sa pamamagitan ng pagpasok sa bintana sa likurang bahagi ng bahay ay nagawang kunin nito ang gamit ng biktima tulad ng cellphone at pera na aabot sa P10,000.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspect, pero hindi lingid sa kanyang kaalaman ay nakuhanan siya ng CCTV na siyang naging­ ebidensya ng mag-asawa para matukoy siya.

Sa isinagawang fol­low-up operation na­ tunton ang suspect sa isang ginagawang bahay sa likuran lamang ng tirahan ng mag-asawa sa nasabing lugar kung saan ito nagta-trabaho bilang laborer.

Show comments