'Dagdag-bawas' sa presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang ilang mga kompanya ng langis sa bansa na nag-umpisa kamakalawa ng hatinggabi.

Kabilang sa nagpatupad ng rollback ang Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Unioil Corporation, Eastern Petroleum, Sea Oil at Total Corporation. Kinaltasan ng mga ito ang presyo ng kanilang diesel ng P.40 sentimos kada litro, P.30 sentimos kada litro ng kerosene at P.75 sentimos kada litro ng regular na gasolina.

Sa kabila naman nito, itinaas naman ang presyo ng premium at unleaded na gasolina ng P.30 sentimos kada litro.

Ikinatwiran nina Toby Nebrida ng Chevron at Mitch Cruz ng Shell na ang naturang galaw sa presyo ng mga petrolyo ay base pa rin nila sa pagsunod sa taas-baba sa presyo nito sa internasyunal na merkado.

Show comments