Ikalawang honeymoon

Dear Dr. Love,

Gaano po ba kahalaga ang pagkakaroon ng second honeymoon sa isang mag-asawa?

Ito po kasi ang inuungot ng aking misis. Gusto niyang magbakasyon kami kahit tatlong araw sa Palawan. Naiintindihan ko po ang layon niya na makapagpahinga naman kami at makapag-bonding.

Pero nagdadalawang-loob po ako dahil sa dami ng aming gastos. Mas kailangan po namin ang magtipid ngayon bilang adjustment sa pagtulong namin nang maospital ang ama ko.

Gusto ko rin pong pagbigyan ang aking asawa kaya nag-loan ako sa GSIS, inirere­serba ko sana ito para sa tuition ng mga bata. Pero sa kasamaang palad, ang biyenan ko naman na babae ang nangailangan. Kaya nagpasya akong ipagamit ang pera. Hindi na nakapiyok si Didi dahil ina niya ang nalagay sa peligro.

Alam ko po na may hinanakit si Didi dahil sa malabo nang matuloy ang aming second honey­moon. 

Salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa liham ko. At sana matuloy pa rin ang plano na­ming selebrasyon na mag-asawa.

Edward

 

Dear Edward,

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng second honeymoon. Dahil pagkakataon ito para minsan pa ay magkaroon ng sarilihang panahon ang mag-asawa, sa kabila ng mga responsibilidad.

Higit na importante ito para sa mga kaba­baihan. Dahil sa natural na pagka-sentimental ng mga ito. Pero ang mga nangyari ay naging mas mahalaga sa panahong iyon. Dahil kalusugan ang naka­taya.

Natitiyak ko na nauunawaan ng iyong asawa ang lahat. Marahil kulang lang siya sa lam­bing. Kaya ito ang iyong pagsumikapan. At kung magkaroon ng pagkakataon para matupad ang hiling niyang second honeymoon, huwag mo itong ipagkait sa kanya. Nami-miss na siguro niya na masolo ka.

Dr. Love

Show comments