^

Bansa

COVID-19 mabilis maipasa sa ‘indoor air’ - WHO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 mabilis maipasa sa �indoor air� - WHO
Ayon pa sa WHO, ang ‘respiratory droplets’ na tinatawag rin na aerosol ay maaaring manatili sa hangin mula sa pagsigaw, pagkanta o pagsasalita ng tao sa loob ng mga restoran, nightclubs at maging simbahan. Dahil dito, inirekomenda nito sa publiko na iwasan ang matataong lugar lalo na sa mga pook na sarado.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inamin na ng World Health Organization (WHO) na airborne o nakakapanatili sa hangin ang COVID-19 lalo na kung nasa loob ng mga saradong establisimi­yento.

Dahil dito, maaaring mas mabilis na makahawa ang virus dahil sa paglanghap ng hangin ng mga taong magkakasama sa loob ng isang saradong gusali.

Ngunit inilarawan rin ng WHO na ang naturang uri ng transmisyon ay bihira. Ito ay sa kabila ng mara­ming naglalabasang si­yentipikong ebidensya ukol sa ‘airborne’ na kakayahan ng virus kaya nasa 200 siyentipiko ang nanawagan sa WHO na pag-aralan ang mga pananaliksik.

Bukod dito, inamin din ng WHO na maaa­ring makahawa ang mga taong may taglay na virus ngunit walang sintomas.  Ito ay kabaligtaran sa una nilang pahayag na napakadalang itong mangyari.

Ayon pa sa WHO, ang ‘respiratory droplets’ na tinatawag rin na aerosol ay maaaring manatili sa hangin mula sa pagsigaw, pagkanta o pagsasalita ng tao sa loob ng mga restoran, nightclubs at maging simbahan. Dahil dito, inirekomenda nito sa publiko na iwasan ang matataong lugar lalo na sa mga pook na sarado.

Unang sinabi ng ahen­sya na nagkakaroon lamang ng pagkalat ng aerosol sa loob ng mga pagamutan kapag nagkaroon ng medical procedure sa isang pasyenteng may taglay ng virus. 

Sa ‘outdoor’ o sa labas ng bahay o gusali, ang virus na napupunta sa hangin ay mabilis rin umanong nalulusaw kaya masyadong mababa na makapanghawa.

Kasunod nito, muling ipinaalala naman ng Department of Health (DOH) ang palagiang pagsusuot ng face masks, face shields, at physical distancing. Maaari umanong mapababa ang hawahan ng 85% kung magsusuot ng face masks at shields at 80% kung ipinapatupad ang physical distancing.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with