^

Bansa

Halos 11,300 katao naapektuhan ng hagupit ng Typhoon Betty — NDRRMC

James Relativo - Philstar.com
Halos 11,300 katao naapektuhan ng hagupit ng Typhoon Betty � NDRRMC
Ilang litrato ng paghahanda ng mga residente ng Batanes kaugnay ng Typhoon Betty
Mula sa Facebook ng Provincial Government of Batanes

MANILA, Philippines — Libu-libo na ang naapektuhan ng Typhoon Betty sa iba't ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ito habang patuloy na nasa ilalim ng Signal no. 2 ang Batanes at ilang bahagi ng Cagayan.

"A total of 2,859 families or 11,264 persons were affected," wika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes.

"Of which, 877 families or 3,483 persons were served inside 21 [evacuation centers] and 112 families or 381 persons were served outside ECs."

Nanggaling sa mga sumusunod na lugar ang mga naturang residente:

  • Cagayan Valley: 793
  • Central Luzon: 5,361
  • Western Visayas: 5,069
  • Cordillera Administrative Region: 41

Huling naobserbahan ang mata ng bagyong Betty sa layong 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang 4 a.m. ayon sa PAGASA.

Wala pang datos sa ngayon pagdating sa halaga ng napinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastruktura.

Sa kabila nito, nasa 254 bayan at lungsod na ang nag-anunsyo ng pagsususpindi ng mga klase. Nasa 80 bayan at lungsod naman na ang nagdeklara ng work suspension.

"A total of 5,4888 persons from Region 2, Region 3, MIMAROPA, Region 6, Region 7 were pre-emptively evacuated," dagdag pa ng NDRRMC.

Sa kabutihang palad, wala pang naitatalang sugatan, nawawala o namatay dulot ng bagyo sa kabila ng mga pagbahang naitala sa Region 6. Isang bahay naman sa Gitnang Luzon ang sinasabing bahagyang napinsala ng sama ng panahon.

Nakapamahagi naman na ng ayudang nagkakalagang P1.89 milyon sa ngayon nasalanta sa ngayon sa porma ng tubig, family food packs, pera, hygiene kits, pagkain, atbp. dagdag ng konseho.

Tinataya ng PAGASA na sa Biyernes pa makalalabas ng Philippine area of responsibility ang Typhoon Betty, habang nakikitang hihina ito patungong tropical storm category pinakamaaga sa Huwebes.

vuukle comment

BETTY

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with