^

Bansa

44 labi ng OFWs mula Saudi darating na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
44 labi ng OFWs mula Saudi darating na
Ito ang tiniyak kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III makaraang palawigin pa ng Saudi Arabia ang palugit na Hulyo 4 para maiuwi ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga bangkay na nabigong matupad ng DOLE dahil sa aayusin pang mga dokumento.
Presidential Photo

MANILA, Philippines  — Darating na sa bansa ang 44 mga labi ng OFWs sa Saudi Arabia kabilang ang 19 na nasawi dahil sa COVID-19.

Ito ang tiniyak kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III makaraang palawigin pa ng Saudi Arabia ang palugit na Hulyo 4 para maiuwi ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga bangkay na nabigong matupad ng DOLE dahil sa aayusin pang mga dokumento.

Sabi ni Bello, lahat ng 274 mga bangkay ay maiuuwi lahat hindi man sa isang bugso ngunit sa ibang mga petsa.

Sa Lunes, 44 bangkay pa umano ang kasunod na maibabalik sa Pilipinas. Kaagad dadalhin ang mga labi sa crematorium bilang pagtugon sa ‘safety protocols’ ng pamahalaan na pinaiiral ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi rin ni Bello na ibibigay ang naaakmang mga benepisyo sa mga naulilang pamil­ya ng mga OFW sa ilalim ng batas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with