^

True Confessions

Dioscora (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Pagbumalik si Mam Dioscora, ipakilala mo naman ako JC. Mag-aaplay akong janitor sa kompanya,’’ sabi ni Mulo nang bumalik makaraang kunin ang pangkarga ng freon sa bodega.

Nagtawa si JC.

“Hindi pa nga ako nagpapasalamat sa kanya, Mulo. Kakahiya namang sabihin ko agad sa kanya na mag-aaplay ka.’’

“Kung puwede lang lang naman, JC.”

“Hayaan mo at kapag nakapagpasalamat ako sa kanya ay babanggitin ko. Pero hindi ako na­ngangako ha? Baka isipin ni Mam e masyado akong adelantado. Baka isipin na palagay agad ang loob ko sa kanya.’’

“Sige JC.’’

“Bakit janitor naman ang aaplayan mo e maru­nong ka naman sa aircon ng kotse? Mahusay ka naman. Kailangan mo lang e training sa TESDA.’’

“Oo nga e kaso wala naman akong pambayad sa TESDA.’’

“Kaunti lang naman ang fee roon—minsan nga may libre pa.’’

“Talaga JC?’’

“Oo. Hayaan mo at pagmay nabasa ako online sa TESDA, sabihin ko sa’yo.’’

“Salamat JC. Buti ka pa at may suporta sa katulad ko. Di katulad nung airconshop na pinagtrabahuhan ko sa Damong Maliit, ayaw ng may-ari na matuto ang tauhan niya. Takot maagawan ng trabaho. Suwapang!’’

Napangiti lang si JC sa sinabi ni Mulo.

KINAGABIHAN, habang kumakain ng hapunan si JC, tinanong siya ni Maria.

“Nakapagpasalamat ka na kay Mam Dioscora, Kuya?’’

“Hindi pa nga e. Tinatawagan ko ayaw sumagot. Nung isang araw nagpunta raw dun pero wala pa ako. Hindi na bumalik.’’

Napatangu-tango si Maria.

“Bukas subukan ko uli na tawagan. Bakasakali matiyempuhan ko,’’ sabi ni JC at tinapos ang pagkain.

“Kumusta naman ang pag-aaral mo? Next month na ang graduation.’’

“Oo nga Kuya. Ikaw ang magsasabit sa akin ng medal.’’

“Kailangan pala may maayos akong damit ano?’’

“Oo Kuya.’’

“Matagal pa naman. Makakapag-ipon pa ako ng ibibili.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with