^

True Confessions

Kaibigan (205)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG mapagod sa paglalakad sa malinis na buhangin sina Dex at Lara, naupo sila at pinanoood ang unti-unting paglubog ng araw. Iyon ang tanawin na gustung-gusto ni Dex. Una siyang nakakita nang paglubog ng araw noong magtungo sila rito ni Tess maraming taon na ang nakararaan. Hindi niya malilimutan ang tagpo na pareho rin nilang tinatanaw ni Tess noon ang paglubog ng araw.

“Ang ganda ng araw Dex. Bilog na bilog!’’

“Mamaya lang wala na yan kaya titigan mo na.’’

“Oo nga. First time kong makakita ng ganito. Noon binalak namin ni King na magtungo sa Ma­nila Bay para makita ang sunset pero hindi natuloy. Ilang beses kaming nagbalak hanggang iwan na niya ako. Ikaw pala ang magtutuloy ng balak at dito pa sa Puerto Galera. Thanks Dex, I love you!’’

“Dito rin kami nagtungo ni Tess bago siya namatay. Nangako ako na babalik kami rito pero hindi na natupad dahil namatay siya. Bigla akong iniwan.’’

“Babalik ka pala rito na ako na ang kasama, Dex.’’

“Oo at hindi ko inaasahan na sobrang saya ang mararanasan ko.’’

Nang biglang magulat si Lara dahil unti-unti nang nilalamon ng dagat ang bilog na araw.

“Nawawala na ang araw Dex! Ang bilis ngang lumubog’’

“Sabi ko sa iyo mabilis mawawala yan. Bukas pagmamasdan uli natin.’’

“Sige panoorin uli natin, Dex.’’

“Halika na sa hotel natin. Dumidilim na.’’

Magkaakbay silang naglakad. Masayang-ma­saya. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with