^

True Confessions

Kaibigan (204)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BAGO mag-alas dose ng tanghali ay nasa Puerto Galera na sila.  Nag-check-in sila sa isang hotel dun. Kumain ng tanghalian. Pawang seafoods ang inorder ni Dex.

“Paborito ko ang mga ito, Dex. Hipon, alimasag, tahong…’’

“Ipaghihimay kita ng alimasag.’’

“Sige. Hindi ba na­kakahiya?’’

“Hindi naman mahal kong asawa.’’

Napahagikgik si Lara.

“Ang sweet mo Dex.’’

“Ikaw din ang sweet.’’

“Hanggang kailan tayo rito, Dex?’’

“Hangga’t gusto mo.’’

“Mga one week?’’

“Mahigit one week.’’

“Sige, sulitin natin. Kasi pagbalik natin sa Saudi, puro trabaho na naman tayo.’’

“Oo nga. Isa pa gusto ko pag-alis natin dito ay…’’ binitin ni Dex.

“Ano?’’

Ibinulong nito kay Lara. “Gusto ko tisbun ka na!’’

Napahagikgik uli si Lara.

Kinahapunan, sa beach na sila. Nag­lakad sila sa aplaya. Hinalikan ng alon ang kanilang mga paa. Masayang-masaya si Lara habang nakahawak sa kamay ni Dex. Wala na siyang mahihiling pa.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with