^

True Confessions

Kaibigan (201)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANG kasunod ay ang mainit na pagmama­halan nina Dex at Lara. Mula sa sopa ay lumipat sila sa kama. Walang namagitang salita sa kanila. Tila nagkaisa ang kanilang iniisip na ganun ang mangyayari at wala nang makakapigil pa sa kanila. Hindi nila malili­mutan ang sandaling iyon na nagsanib ang kanilang mga hubad na katawan. Na­sumpungan nila ang hindi maipaliwanag na ligaya.

Para kay Dex, mahal naman talaga niya si Lara. Hindi dahil ‘yun ang naka­saad sa huling habilin ni King na kung mag-aasawa siya ay si Lara na ang piliin. Talagang nagkaroon na ng pitak sa kanyang puso si Lara. Kung walang pitak sa kanyang puso si Lara, papayag ba siyang magtungo rito sa Saudi. Isa sa dahilan kaya gusto niyang makarating dito ay hindi lamang dahil sa trabaho kundi para makasama si Lara. Mahal niya si Lara at siguro ay mahal din siya ni Lara.

Para makasiguro, tina­nong niya si Lara habang magkayakap sila sa ilalim ng kumot. Nakita ni Dex ang maaliwalas na mukha ni Lara. Dinama niya ang makinis na pisngi.

“Mahal mo ba ako Lara?’’

“Oo naman.’’

“Ako rin mahal kita.’’

“Pareho tayong nagma­mahal sa isa’t isa. Mula pa noong dumating ka rito sa Riyadh, minahal na kita.’’

“Ako rin. Hindi ko lang masabi sa’yo.’’

“Bakit?’’

“Siyempre nahihiya. At saka hindi ko alam kung ano ang damdamin mo para sa akin.’’

“Ang hina naman ng pakiramdam mo. Ako na nga ang pumupunta sa room mo hindi mo pa gets?’’

“E siyempre naman, nakikiramdam pa ako. Mahina nga siguro ang pakiramdam ko.’’

“Mabuti na lang nagkusa kang pumunta rito sa room ko. Kung hindi baka nagpapakiramdaman pa tayo.’’

“E mabuti rin at nakaisip kang gumawa ng gimik na kunwari ay parurusahan ako. Ibang klase ka Lara, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Lara.

Niyakap nang mahigpit ni Dex si Lara. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with