^

True Confessions

Kaibigan (126)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan, tangha­ling­ nagising si Dex. Saka niya naalala na nag-iisa na nga pala siya at wala nang naghahanda ng almusal para sa kanya. Wala na ang mahal na asawa na sa loob ng ilang taon nilang pagsasama ay wala sawa siyang pinagsilbihan. Maagang nagigising si Tess para magluto ng kanilang almusal. Walang palya iyon. Kaya babangon siya na na­kahanda na ang mesa at pagsisilbihan ng asawa.

Umupo sa kama si Dex at napatungo. Panibagong araw na naman ang kaka­harapin niya na wala si Tess. Parang mahihirapan siya na palipasin ang maghapon­ na wala si Tess. Ayaw muna niyang pumasok sa opisina sapagkat baka lalo siyang walang magawa kung naroon. Nagpaalam naman siya sa kanyang boss at naintindihan naman siya—binig­yan siya ng isang buwang bakasyon.

Matapos makapagmuni-muni, ipinasya na ni Dex na magtungo na sa kusina para magluto ng almusal. Ang hindi niya ginagawa mula nang magsama sila ni Tess ay gagawin na niya ngayon. Balik uli siya sa dating pamu­muhay na nag-iisa at gumagawang mag-isa.

Pinilit niya ang sarili na mag­luto. Kapag hindi siya nag­luto, wala siyang kakainin at magugutom siya. Naalala niya ang mga huling sinabi ni Tess na huwag magpapalipas ng gutom. Kumain sa oras. Huwag pababayaan ang sarili.

Kumain siya. Ginisang corned beef at fried rice na maraming bawang. Nagtimpla siya ng ma­init na mainit na kape.

Kumain siya. Tamilmil siya. Parang matabang ang panlasa niya. Hindi naman siya ganito. Siguro’y epekto ng pagdadalamhati niya.

Humigop siya ng kape. Pati kape matabang ang pan­­lasa niya. Wala siyang mada­mang sarap sa mainit na kape.

Tumayo siya at kumuha ng inuming tubig sa ref.

Uminom siya.

Eksaktong ibinababa niya baso nang may maulinigan siyang tumatawag. Tinata­wag ang pangalan niya.

Hindi siya tumayo at nakiramdam.

Hindi siya maaring magkamali. May tumatawag sa kanya!

Nagmamadali siyang tumayo at tinungo ang pintuan.

(Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with