^

True Confessions

Kaibigan (104)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Binilisan ni Dex ang pag­lalakad para maunahan ang babae at nang makita niya kung si Lara nga ba ito. Malakas ang kanyang kutob na si Lara nga ito! Pati ang paglalakad ay katulad ng paglalakad ni Lara.

Naka-overtake siya sa babae. Nang mga dalawang hakbang na ang agwat niya, nilingon niya ang babae at tiningnang maigi.

Nagkamali siya!

Hindi si Lara ang babae!

Kahawig lang ang likod. Malayung-malayo ang itsura ng babae kay Lara.

Nahalata ng babae ang paglingon at pagtingin niya.

‘‘Bakit po?’’tanong nito.

‘‘Sorry Miss, akala ko ikaw ‘yung kakilala ko. Nag­ka­mali lang Miss.’’

Ngumiti lang ang babae sa sinabi ni Dex.

Ipinagpatuloy ni Dex ang paglalakad. Nakakahiya sa babae. Tiningnan kasi niya nang todo. Hindi pala dapat. Mabuti na lang at mabait ang babae. Walang ibang sinabi. Kung sa ibang babae niya ginawa ang pagtingin, baka ireklamo siya o kaya’y sinigawan na siya.

Hindi na niya uulitin iyon. Isang aral sa kanya iyon.

Dinidilig ni Dex ang mga tanim niyang bougainvilla sa gilid ng bahay nang lapitan siya ni Tess at tinulungan sa pagdidilig.

Alagang-alaga niya ang mga bougainvilla na iba’t iba ang kulay ng mga bulaklak—pula, biyoleta, dilaw at orange. Nag­sisimula nang gumapang ang mga iyon sa pader. Mula nang direkta niyang itanim sa lupa, bu­milis ang paglaki at pag­haba ng mga sanga. Nabili niya ang mga bougainvilla sa isang vendor sa Legarda. Mura lang ang mga iyon.

‘‘Ang gaganda na ng bulaklak ano, Dex. Kaya lang wala namang amoy ang bulaklak ng bougainvilla.’’

‘‘Oo nga. Natutuwa lang ako sa mga kulay ng bulaklak kaya ako nagtanim niyan.’’

‘‘Sabagay maganda na­mang tingnan ang iba’t ibang kulay. Nakagagaan ng kalooban,’’ sabi ni Tess at pinasiritan pa ng tubig mula sa hose ang mga bougainvilla.

‘‘Sa summer lalo nang ma­gandang tingnan ang mga ‘yan. Puro bulaklak ang makikita at wala nang dahon.’’

‘‘Talaga?’

Lumapit si Tess kay Dex at umakbay.

‘‘I love you Dex.’’

‘‘Love you too.’’

Hanggang sa mapasul­yap si Dex sa labas—parang may nakatingin sa kanila ni Tess. O baka namamalik­mata lang siya. (Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with