^

True Confessions

Kaibigan (33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BAGAMA’T panatag na ang loob ni Dex sa kalagayan ni King, ang pinuproblema niya ay kung paano sasabihin kay Lara ang nangyari.

Tiyak na hinihintay na ni Lara ang tawag o text niya. Tiyak din na hindi mapakali si Lara sa bahay dahil kay King. Naghihintay ng balita sa nangyari sa asawa.

Pero naisip ni Dex, wala namang ibang mag­babalita kay Lara ng mga nangyari kundi siya.

Siya ang nakaaalam kaya dapat lamang niyang sabihin kay Lara ang lahat. Hindi na siya dapat mag­lihim pa,

Isa pa, ligtas na naman si King. Wala nang dapat pang ipag-alala. Dapat ipaalam na niya kay Lara ang lahat.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at sinimulang idayal ang number ni Lara.

Sumagot agad si Lara.

‘‘Hello Dex?’’

‘‘Lara.’’

‘‘Nakita mo ba si Dex?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Nasaan siya?’’ halos naiiyak na si Lara.

Ikinuwento ni Dex ang mga nangyari. Detalyado. Wala siyang inilihim.

Nang matapos niyang ikuwento, bumunghalit ng iyak si Lara.

‘‘Huwag kang umiyak, ligtas si King. Nasa mabuting kalagayan na siya.’’

Patuloy sa pag-iyak si Lara.

‘‘Mamaya ililipat na siya sa private room. Huwag kang mag-alala at akong bahala. Hindi ko siya paba­bayaan.’’

‘‘Salamat Dex.’’

‘‘Tatawag ako sa iyo mamaya. Huwag kang mag-worry.’’

Ibinaba na ang phone.

Tinungo naman ni Dex ang nurses station para magtanong ukol kay King. Baka tapos nang operahan at ililipat na ng room.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with