^

True Confessions

Kaibigan (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGMAMADALING tinu­ngo ni Dex ang ER at sumilip sa bintanang salamin para makita ang kalagayan ni King. Ano na kaya ang nangyayari sa kaibigan niya? Bakit malakas ang kaba niya?

Nang silipin ni Dex ang kinaroroonan ni King, nagulat siya sapagkat bakante na ang kamang kinahihigaan nito kanina. Iginala niya ang paningin at baka inilipat lamang ng ibang kama.

Pero hindi niya nakita si King.

Saan kaya dinala si King?

Anong nangyari sa ka­ibigan niya?

Hindi mapakali si Dex. Kailangang may makausap siyang doktor o nurse kaya na galing sa ER. Ang mga ito lamang ang makasasagot sa katanungan niya ukol kay King.

Hindi naman siya puwedeng pumasok sa ER sapag­kat mga doktor, nurses at iba pang hospital staff ang pinapayagan doon.

Ipinasya ni Dex na mag-abang ng sinumang lalabas para may mapagtanungan. Ka­ilangang malaman niya ang kalagayan ni King. Bakit nawala ito sa ER.

Ayaw isipin ni Dex na patay na si King at dinala ang bangkay sa morgue. Ayaw niyang isipin iyon pero bakit nagsusumiksik sa utak niya.

Hindi patay si Dex!

Hindi patay ang kaibigan niya!

Hanggang isang doktor ang nakita niyang lumabas sa ER. At natandaan niya, na ito ang doktor na umaattend kay King kanina. Hindi siya maaring magkamali.

Sinalubong niya ang doktor.

“Doktor good morning­ po. Kaibigan po ako ng lalaking inaasikaso mo kanina, nasaan na po siya?’’

‘‘Ah ‘yung nasaksak. Nasa operating room siya. Pero don’t worry, ligtas siya. Kaila­ngan lang linisin ang sugat.’’

Nakahinga nang maluwag si Dex.

“Salamat po Doktor.’’

“Mga one hour lang siya sa OR at ililipat na siya sa ibang private room.’’

“Salamat po.’’

Nang makaalis ang doktor, walang hanggan ang pa­sa­salamat niya sa Diyos.

Salamat po at niligtas mo ang kaibigan ko.

Nagbalik si Dex sa waiting area at naupo roon.

Ang iniisip niya ay kung paano sasabihin kay Lara ang nangyari kay King.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with